Mas mataas na recoveries sa COVID-19 naitala sa ilang magkakasunod na araw sa Bicol

BICOL—Mas mataas na mga bagong recoveries sa COVID-19 ang naitala sa Bicol region sa ilang araw na nagdaan kung ikukumpara sa mga bagong kaso nito.

Nitong weekend, umabot sa  601 ang bilang ng mga bagong gumaling kung saan 224 ang nadagdag noong Sabado habang 377 naman nitong Linggo. Sa kabuuan ay pumapalo na sa 36,113 (79.07%) ang mga gumaling sa sakit sa rehiyon.

Sa huling tala kahapon, pinakamataas ang bilang ng mga nakarekober sa Camarines Sur na umabot sa 190, sinundan ng Albay na may 105, Sorsogon na may 36, Camarines Norte na may 30 at Catanduanes na may 16.

Samantala, pumalo na sa 45,672 ang total cumulative cases ng sakit kung saan 8,029 (17.58%) pa nito ang aktibong kaso.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

265 ang mga bagong kaso nitong weekend kung saan 134 ang nadagdag noong Sabado habang 131 naman kahapon, araw ng Linggo.

Sa huling ulat kahapon, pinakamaraming bagong kaso ang Camarines Sur na umabot sa 45 kung saan 14 nito ay mula sa Naga City, anim sa Libmanan, tig-apat ang Baao at Nabua, tigtatlo ang Canaman at San Fernando, tigdadalawa ang Bombon, Bula, Iriga City at San Jose at tig-iisa ang Caramoan, Minalabac at Pili.

44 ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan 13 ang mula sa Virac, 12 sa San Andres, siyam sa Gigmoto, apat sa Caramoran, dalawa sa Viga at tig-iisa ang Bagamanoc, Baras, Bato at Pandan.

17 ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan siyam nito ang mula sa Sorsogon City, tigtatlo ang Irosin at Santa Magdalena at dalawa sa Gubat.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

16 ang bagong kaso sa Albay kung saan walo ang mula sa Legazpi City, tatlo sa Santo Domingo at tig-iisa ang Camalig, Malinao, Pio Duran, Rapu-Rapu at Tabaco City.

Ang Masbate ay may anim na bagong kaso kung saan tatlo ang mula sa bayan ng Uson, dalawa sa Palanas at isa sa Esperanza.

Dalawa ang bagong kaso sa Camarines Norte na kapwa mula sa bayan ng Talisay habang isa naman ang nagpositibo na mula sa labas ng Bicol, galling ito sa Muntinlupa City.

Samantala, lima ang mga bagong nasawi kung saan apat ang mula sa Camarines Norte at isa sa Sorsogon kung kaya pumalo na sa 1,530 (3.35%) ang death toll ng sakit sa Bicol region.### || slm