PNP Chief Carlos ipinag-utos ang mahigpit na pagbabantay sa huling mga linggo ng kampanya

Ipinag-utos ni Philippine National Police chief Gen. Dionardo Carlos sa mga kapulisan ang ituloy ang mahigpit na pagbabantay tatlong linggo bago ganapin ang May 9 National Elections.

Ayon kay Carlos dapat manatiling propesyunal ang hanay ng PNP at hayaan ang mga taong pumili ng susunod na presidente ng Pilipinas pagsapit ng Mayo.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Inihayag ng PNP chief na nasabihan na niya ang lahat ng field commanders na patuloy na subaybayan ang pagbabantay ng kanilang mga tauhan para matiyak ang maayos at mapayapang halalan.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Sinabi din ni Carlos na wala siyang nakikitang dahilan para mabigo ang PNP sa kanilang trabaho na mapanatiling matiwasay ang isasagawang eleksiyon sa Mayo.