60-anyos na lolo, arestado sa kasong panggagahasa sakanyang sariling apo sa Caramoran, Catanduanes

BNFM BICOL—Arestado ang isang 60-anyos na lolo matapos nitong pagsamantalahan ang kanyang menor de edad na apo sa bayan ng Caramoran, Catanduanes.

Batay sa ulat ng PNP, kinilala ang suspek na si alyas “Doming”, 60 anyos, abaca stripper at residente ng nasabing lugar na may patong-patong na kaso ng panggagahasa.

Batay sa inilabas na warrant of arrest ng korte, ang suspek ay may kaso ng 49 counts ng Statutory Rape at 24 Counts ng rape kung saan pawang walang piyansa ang lahat ng 73 kaso na isinampa laban sa kanya.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Kwento ng naging biktima, una siyang pinagsamantalahan Setyembre ng taong 2019 noong siya ay 11-taong gulang pa lamang sa masukal na bahagi ng bukid kung saan sila nangunguha ng gulay.  Dahil sa pananakot ng suspek ay hindi niya nagawang mag-sumbong hanggang sa maka-ilang beses na naulit ang pang-aabuso.

Bukod sa pagbabanta, may mga pagkakataon din ang suspek na maisakatuparan ang kahalayan  dahil labas-masok ito sa kanilang tahanan.

Ayon sa Caramoran PNP, Nobyembre 2021 na nang maiparating sa kanilang tanggapan ang reklamo na agad namang inaksyunan ng Women and Children Protection Desk (WCPD).

Kaugnay nito ay naisampa ang patong-patong na kaso ng panggagahasa laban sa suspek at nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad habang agarang inilayo ang bata sa lugar at kasalukuyang nasa pangangalaga ngayon ng isang safe haven.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Samantala, muling nagpaalala ang PNP sa publiko, na huwag mag-atubili na magsumbong sa otoridad kung nakararanas ng pang-aabuso upang agad na mabigyan ng karampatang aksyon ng kapulisan at ng iba pang kaukulang ahensya ng pamahalaan.

Sa balita, sinadyang hindi ilahad ang totoong katauhanat  ibang detalye ng mga sangkot na indibidwal upang maprotektahan ang kanilang pagkakakilanlan alinsunod sa probisyon na itinakda sa ilalim ng RA10173 o Data Privacy Act of 2012.###