PNP Camarines Sur, ipinagpasalamat ang matahimik na halalan

NAGA CITY-Matagumpay, maayos at tahimik ang assessment ng Camarines Sur Police Provincial Office sa Local and National Election sa lalawigan.

Sa 35 bayan at isang syudad na may kabuuang 930 polling centers ay walang naitalang insidente ng karahasan na naiulat sa Camarines Sur Police Provincial Election Monitoring Action Center (CSPPO – PEMAC) nitong Mayo 9, 2022 na maituturing ng Election Related Incident (ERI).

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ayon sa talaan ng CSPPO – PEMAC, ay may naiulat na 33 na Vote Counting Machine (VCM) at isang SD card ang nagkaroon ng kaunting aberya subalit ito ay agad din na naresolbahan ng mga kawani ng COMELEC para hindi maantala ang oras ng botohan.

Ayon sa CSPPO ito ay resulta ng pagtutulungan ng PNP, Armed Forces of the Philippines, Department of Interior and Local Government (DILG) , COMELEC , Department of Education , mga force multiplier at advocacy support group ng PNP kasama ang mga barangay tanod at mga pribadong indibidwal.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa bayan ng Pili na dati nang maingay ang mundo ng pulitika ipinagpasalamat din ng hepeng si PLt.Col Allan Macoy ang naging maayos na takbo ng halalan at walang karahasan.