Mga gurong nagsilbi sa Halalan sa Camarines Norte naging maayos at ligtas ayon sa DepEd Election Task Force

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Election Task Force  Operation at Monitoring Center ng Department of Education sa lalawigan ng Camarines Norte na nasa maayos at ligtas na kundisyon ang lahat ng mga gurong nagsilbi bilang Electoral Board sa katatapos lang na May 2022 Local and National Elections.

Ayon kay Administrative Officer V Antonio Ahmad ng Division Office walang naitalang anumang injury o untoward incident at harassment sa mga guro habang ginagawa ng mga ito ang kanilang trabaho sa halalan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Nai- provide naman umano sa mga ito ang assistance tulad ng para sa transportasyon at security.

Gayunman ilan aniya sa mga ito ay ngayong linggo pa lang mabibigyan ng  honorarium habang ang iba naman ay nabayaran nab ago pa man ang election duty tulad na lamang sa Capalonga.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Layunin ng Election Task Force na siguraduhin na mayroong sapat na impormasyon, teknikal at legal assistance ang mga guro at iba pang personnel gumanap bilang mga miyembro ng Electoral Board.