Misa ng Pagkakaisa at Pasasalamat kasama si VP Leni, dinaluhan ng libong taga Naga at Camarines Sur

NAGA CITY- Libong  mga taga Naga at Camarines Sur ang muling nagtipon para sa isang misa; misa ng Pagkakaisa at Pasasalamat kasama si Vice President Leni Robredo sa Metropolitan Naga Cathedral 5:30 ng hapon Mayo 10.

Iba-ibang sektor ng lipunan ang nakita, naroon ang mga kabataan, mga pamilya, mga alagad ng simbahan at iba pa. Puno ang loob at labas ng Cathedral. Sa nasabing misa , pagpapasasalamat sa publiko ang nangibabaw, ito ay sa kabila ng mahigit 16-milyon na kalamangan ni Bongbong Marcos sa Bicolanang Bise Presidente.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Ayon kay Archdiocese of Caceres Archbishop Rolando J. Tria Tirona OCD, DD ang pagpapasalamat na ito ay pagmamalaki na walang ginawa na labang sa kalooban ng Dios.

Read More:  Motorcycle rider dies in Toledo City collision with armored van

Mayroon namang mga nagsasabing kailangan nang tanggapin ni Robredo ang pagkatalo habang hindi naman bumibitaw sa laban ang mga supporters nito.