PNP bubuo ng Special Investigation Task Group Re: Sulu-Provincial chief shooting

Nakatakdang bumuo ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Philippine National Police para imbestigahan ang nangyaring pamamaril-patay kay Sulu provincial police office chief PCol. Michael Bayawan Jr.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Ronaldo Olay kabilang sa mga bubuo sa SITG ay ang Crime laboratory, Regional Investigation and Detection ng Bangsamoro Autonomous Region at CIDG.

Sa ngayon ayon kay Olay ay naghihintay pa sila sa ibang mga detalye kaugnay sa nangyaring shooting incident.

Subalit batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nagsasagawa ng inspection si Bayawan sa quarantine control point sa Barangay Asturias sa Jolo nang barilin ng suspek na kinilalang si Police Senior Staff Sergeant Imran Jilah.

Nabaril-patay naman si Jilah ng security detail ng Sulu police chief.

Hindi pa malinaw ang motibo sa naturang kremin subalit nabatid na si Bayawan ay isa sa mga police officers na nahaharap sa kaso matapos masangkot sa Jolo misencounter noong nakaraang taon na ikinamatay ng apat na Army intelligence officers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *