Nagsimula na ngayong umaga ang Kadiwa ni Ani at Kita sa Olongapo City Triangle.
Ito ay tatlong araw na aktibidad sa lungsod para mabigyan ng pagkakataon ang publiko na makabili ng mga produkto sa mas mababang halaga.
Mula sa mga karne, itlog, gulay, halaman at iba pang mga local products ay mabibili sa lugar.
Dalawang araw itong gagawin sa Rizal Triangle habang sa Sabado naman ay gagawin sa Bgy. Sta. Rita.
Samantala, sa mga nais na makabili ay tatagal ng hanggang hapon ang pagtitinda sa lugar.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
