PNP Balatan, nakafull-alert para sa Balatan Town Fiesta

CAMARINES SUR – Simula pa kahapon, araw ng mga puso, naka full alert na ang Balatan Municipal Police Station para na rin sa paghahanda sa town fiesta.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PCpl. Michael Jay Elevado,  Assistant PCR PIO ng Balatan MPS, inaasahan nila ang pagdagsa ng mga tao sa bayan lalo na’t marami ring mga aktibidad na nilatag ang kanilang lokal na pamahalaan.

Read More:  Farmer killed, friend wounded in shooting in Sibonga, Cebu
Read More:  Two dead after motorcycle collides with carabao in Negros Occidental

Isa na nga rito ang diskwento caravan kung saan makikita at mabibili ang iba’t-ibang produktong pang agrikultura. Nagbigay din ng paalala ang kapulisan laban sa mga masasamang loob lalo na sa mga matataong lugar.