PNP, aminado na nanatiling problema ang ilegal na droga

Aminado ang Philippine National Police na nanatiling problema sa bansa ang ilegal na droga.

Pero naniniwala ang PNP na bumaba ang impluwensya ng ipinagbabawal na gamot sa iba’t-ibang mga komunidad matapos ang limang taong war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinunto ng PNP sa huli nitong datos na nagresulta ang war on drugs sa pagkamatay ng 6,117 na drug suspects na nanlaban umano sa mga otoridad at sa pagkakaaresto ng 289,622 na iba pa.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Sa isang video message naman ay iginiit ni PNP chief General Guillermo Eleazar na meron pa rin ilang bahagi ng bansa ang problemado dahil sa ilegal na droga.

Gayunman, sinabi ni Eleazar na sa ilalim ng termino ng Pangulo ay bumuti at naging mas ligtas na ang lagay sa mga kalsada.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Hindi rin anya na maitatanggi na meron malaking pagbabago sa sitwasyon kung ikukumpara sa mga taon bago mag-2016.

Mababatid na inilabas ng PNP ang video message ni Eleazar bilang bahagi ng ulat nito isang buwan bago ang ika-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte.