Ilang mambabatas, nanawagan ng special session para sa hindi nagamit na P9-billion ng Bayanihan 2 na nag-expire kahapon

Bigo ang gobyerno na magamit ang tinatayang nasa P9-billion na pondo na inilaan para sa pandemic response mula sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 bago ito nag-expire kahapon (June 30).

Sinabi ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez na dahil sa kawalan ng panukala na magpapalawig sa naturang batas, ay kailangan ng gobyerno ngayon na ibalik ang mga hindi nagamit na pondo sa national treasury.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Ipinunto ni Rodriguez na maraming proyekto na napaglaanan ng pondo ang maiiwan na nakatiwangwang dahil rito.

Iginiit ng mambabatas na hindi na pwedeng i-disburse ng gobyerno ang unused funds dahil kakailanganin nito ang isang panibagong legislation.

Binigyang diin ng kongresista na magiging ilegal na ang pag-obligate ng unused funds hangga’t hindi napapalawig ang validity ng Bayanihan 2.

Read More:  Comelec orders new probe into Escudero campaign contribution allegations

Sakaling gawin anya ito ng gobyerno ay maituturing na ito bilang technical malversation.

Itinanggi naman ni Rodriguez ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pwedeng ma-obligate ang P9-billion na pondo sa loob lamang ng isang araw, bago mapaso ang batas.

Umapela naman ang kongresista ng special session upang maipasa ang isang reappropriation measure para magamit ang unobligated P9-billion sa Bayanihan 2 hanggang December 31, 2021.