PNP, all systems go para sa inagurasyon ni VP-elect Sara Duterte

All set na ang Philippine National Police sa pagbibigay ng seguridad para sa oath-taking ceremony ni Vice President-elect Sara Dutertesa Linggo.

Ayon kay PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo, nasa 3,700 personnel ang idedeploy sa Davao City kung saan magaganap ang makasaysayang seremonya.

Read More:  Cayetano Rejects Senate leadership changes

Dagdag ni Fajardo, na epektibo sa June 18, magkakaroon na ng subdeployment, partikular na sa lugar kung saan magaganap ang inauguration event.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Kasama rin umano ng police na magbabantay sa seguridad ay ang Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard personnel.

Sa ngayon, wala pa namang natatanggap ang PNP na credible reports na banta sa inagurasyon, bagama’t patuloy ang kanilang monitoring. //MHEL PACIA