Hinimok ng mga taxi operators ang gobyerno na aprubahan ang kanilang inihaing petisyon noong Marso, na humihiling na itaas ang flag-down rate mula sa P40 sa P60 sa gitna ng tumataas na presyo ng langis.
Ayon kay Philippine National Taxi Operators Association president Bong Suntay, may ilang driver ang mas pinipili nalang na hindi magdrive ng kanilang taxi units, dahil sa big-time fuel price hike, na walang sensyales na bababa.
Nabatid na para ngayong taon na upward adjustment ay tumaas ang presyo sa bawat litro ng diesel ng mahigit P36 habang P26 naman sa gasolina.

Dagdag ni Suntay, hihilingin lang nila na taasan ang flag-down rate mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa halip na fare hike.
Paliwanag nito, na ang kasalukuyang baseline rate ay batay sa panahon na ang langis ay nasa P42-P45 pa ang presyo bawat litro. //MHEL PACIA