Itutuloy pa rin ng Philippine Merchant Marine Academy o PMMA sa San Narciso, Zambales ang malalimang imbistigasyon tungkol sa pagkamatay ng isa sa mga kadete noong Martes.
Ito ay kahit pa nasampahan na ng kaso ang isang 2nd class Cadet Jomel Gloria na umaming nanuntok ng ilang ulit sa biktimang si 4th Class Cadet Jonash Bondoc hanggang sa mawalan ng malay sa banyo ng 1st Batallion Barracks.
Matatandaan, isinugod sa ospital si Bondoc pero idineklarang patay.
Kasunod ang imbistigasyon ng mga pulis at ang pag-amin ni Gloria sa pag-aakalang ang pabirong mga suntok ay hindi mauuwi sa kamatayan ng kapwa kadete.
Base sa written statement, hindi pa rin titigil ang PMMA sa pag-iimbistiga para alamin ang dahilan kung bakit sa kabila ng mahigpit na pagbabawal at pagpataw ng parusa sa mga lalabag sa mga patakaran ng akademya ay nangyayari pa rin ang kaparehong insidente.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Philippine Merchant Marine Academy – PMMAOfficial
