PHNOM PENH, Cambodia – Kamakailanlan lang ay nag viral ang isang Tiktok video ng isang Chinese national na si Qi Xiao matapos matuklusan ang kakaiba nitong alagang hayop. Makikita doon ang isang taong gulang at may bigat na 70 kilong leon na si Hima na wala ng mga pangil at kuko.
Dahil sa nag viral na Tiktok video, agad na umaksyon ang Wildlife Alliance para kumpiskahin si Hima kay Qi dahil hindi umano ito nababagay sa isang private residence.
Ngunit hindi natiis ni Qi ang kanyang alagang leon kaya makalipas lang ang ilang araw, agad niya itong binisita. Kapansin-pansin dito ang kagalakan ng dalawa na parang ilang taon na hindi nagkita.
Maraming mga netizens ang naawa at naantig ang puso pagkatapos makita ang viral video. Hiniling nila na sana ibalik na si Hima kay Qi.
Nag post naman sa kanyang Facebook account si Cambodia Prime Minister Hun Sen, na ibabalik na si Hima kay Qi sa kondisyong kailangan itong gawan ng kulungan.
Nitong Lunes, muli nang nagkasama ang mag among Hima at Qi.
Marami man ang na antig sa kwento ni Hima at Qi marami rin ang tutol sa naging desisyon ng mga awtoridad at lalo na sa Facebook post ng Prime Minister.
Ayon sakanila, stress reliever mang maituturing ang mga alagang hayop kapag ikaw ay nakakaramdam ng lungkot at pagod ngunit kaylangan parin ng payo ng awtoridad kung ito ba ay ligtas alagaan.### || CHRISTINE RAÑA