Plastic, bawal na sa Puerto Princesa

Sinimulan na nitong ika-1 ng Enero, 2023 ng Oplan Linis Program ang “full implementation” sa Lungsod ng Puerto Princesa ng City Ordinance 993 o “Puerto Princesa City Single Use Plastic and Styrofoam Regulation Ordinance of 2019.

Base sa section 5 ng ordinansa, ang Single Use Plastic na ipinagbabawal ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Plastic Straws, Utensils, Plastic Cups, Single use plastic at Styrofoam Containers.

Read More:  68-year-old Cebu grandfather jailed over alleged begging freed after viral story

Bawal din ang pagdala ng Single use plastic, Styrofoam Containers at maging mga disposable water/ soda bottles sa Puerto Princesa Subterranean River National Park.

Sinasaad naman sa Section 7, ang sinumang mahuli na lumabag ay magmumulta ng ₱1,000 sa First Offense, ₱3,000 o pagkakulong ng 7 hanggang 15 araw sa Second Offence, habang ₱5,000 o pagkakulong ng 15 hanggang 30 araw sa Third Offense.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Samantala, sa mga establisyemento na mahuhuling lumabag sa sa ordinansa na ito ay posibleng ma-cancel o suspendehin ang kanilang permit hanggang 30 araw.