Estudyante, patay matapos malunod sa dagat ng Puerto Princesa

Patay ang isang 17 anyos na estudyante matapos na malunod sa dagat ng Baranggay Simpocan sa Puerto Princesa City nitong araw ng Linggo, ika- 15 ng Enero 2023.

Kinilala ang biktima na si Lujil Ella Tabang Aludia, senior high School student, residente ng Venturillo Rd 2, Barangay San Manuel, Puerto Princesa City.

Sa imbestigasyon ng Police Station 2 , ang insidente ay iniulat sa pulisya ng tiyuhin ng biktima kung saan nangyari umano ang insidente bandang alas-otso ng umaga kahapon sa Bianyas Echo Camp, Barangay Simpocan.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Kwento ng tiyuhin sa pulisya, pinaplano na nilang umalis sa lugar nang tumawag ang ilang kamag-anak nila para lumangoy, makalipas ang ilang oras, sumigaw at humingi ng tulong ang ilan sa kanyang mga kaibigan/kamag-anak na nalulunod na si Lujil sa malalim na bahagi ng dagat.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Nahirapan umano itong makalangoy pabalik dahil sa malalaking alon hanggang lumubog sa ilalim ng tubig kaya hindi na siya nagawang saklolohan.

Nang hanapin ito ng kaanak ay nakita ito kalaunan na lumulutang bago dinala sa pampang at sinikap na i-CPR pero hindi ito nagkamalay.

Gayunpaman, pagdating sa Napsan Satellite Clinic ay hindi na rin naisalba ang buhay ng estudyante.