Lalaki nakuhaan ng iligal na droga at sumpak sa ginawang buy bust operation sa Paracale

CAMARINES NORTE- Timbog ang isang lalaki sa ginawang buy bust operation ng mga awtoridad noong Sabado ng hapon sa Purok Yakal A, Brgy Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si alyas “Pedro” 32 anyos, binata, walang trabaho at at residente ng Purok 1, Barangay Tugos sa naturan ding bayan.

Ayon sa Paracale Police, nakabili  sa suspek ang umaktong poseur buyer ng isang piraso ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang “shabu,” kung kaya agad itong inaresto.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Maliban sa buy bust item nakuha rin sa pag- iingat nito ang tatlo pang maliliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu, pera, improvised shotgun o sumpak na may kasamang dalawang pirasong bala ng nabanggit na baril.

Tinatayang umaabot sa bigat na 0.6 gramo ang mga nakalap na iligal na droga na may katumbas na street value na Php 4,080.00.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Pinuri naman ni PMaj Fernand Segundo, Hepe ng Paracale MPS ang kaniyang mga tauhan at iba pang law enforcement units na kasama sa operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nasa kustodiya na ito ngayon ng naturang himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.