NAGA CITY- Nagparamdam ang snatcher sa Naga City Miyerkules ng gabi Hulyo 10, 2024 sa Barangay Bagumbayan Sur, mabilis na natangay ng naka motorsiklo ang cellphone ng nasa e-bike na residente pa ng Magarao, Camarines Sur.
Nasa kamay na ng PNP ang imbestigasyon upang matukoy at mahuli ang salarin. Kaugnay nito nagpulong ang council upang makatulong sa PNP at balangkasin ang nararapat na plano , upang hindi na maulit pa ang insidente lalo na ngayong papalapit na ang pasukan sa klase.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Punong Barangay Pin Camba, sinabi nitong kulang pa ang kanilang CCTV Cameras, kaya ngayon paiigtingin pa ang pagroronda ng mga tanod. Palalawakin din ang koordinasyon nila sa mga establishments.
Una na ring sinabi ng Naga City Police Office na pinalalakas pa nila ang police visibility sa mga barangay. Nitong mga nagdaang buwan halos wala namang naitatalang parehong insidente sa lungsod.