Estudyante timbog sa pagbebenta ng Marijuana sa Naga City

NAGA CITY- Imbes sa eskwelahan ang pasok, nasa kustodiya ngayon ng City Social Welfare and Development Office ang isang estudyante dahil sa pagbebenta ng pinatuyong dahol ng marijuana sa Naga City.

Ikinasa ang Buy Bust Operation ng Police Office Station 6 kasama ang iba pang law enforcement unit 5:54 ng hapon kahapon sa Barangay Balatas.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Nakipagtransaksyon ang 15- anyos suspek sa operatibang nagpanggap na buyer sa halagang Php 500.00, ng magkaabutan, dito na agad na inarresto ang suspek na residente ng Barangay Abella, nakuha rito ang isang plastic naglalaman dahon ng marijuana nagkakahalagang Php 1,500.00 at isang unit ng cellphone.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Samantala inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban dito.