Pitt, kinasuhan si Jolie dahil sa pagbebenta sa French vineyard kung saan sila ikinasal

Kakasuhan ni Brad Pitt si Angelina Jolie dahil sa pagbebenta sa kanyang share ng French vineyard, kung saan sila ikinasal.

Ang superstars na sina Pitt at Jolie, na isa sa mga naging highest profile couple sa Hollywood, ay bumili ng controlling stake ng Chateau Miraval sa southern France noong 2008, at doon ikinasal matapos ang anim na taon.

Pero noong 2016 naghain ng mga ito para sa dissolution ng kanilang kasa, na nananatiling pending sa korte, kabilang na ang custody rights para sa kanilang anim na anak.

Batay sa lawsuit na inihain ni Pitt sa California, nagkasundo umano sila ni Jolie na hindi ibebenta ang kani-kanilang interests sa Miraval nang walang pahintulot sa bawat isa.

Pero noong Oktubre, ibenenta ni Jolie ang kanyang stake sa Luxembourg-based spirits manufacturer” na pinangangasiwaan ng Russian oligarch na si Yuri Shefler