Obi Toppin nasungkit ang NBA All-Star Dunk title

Isang taon matapos matalo sa NBA All-Star Dunk Contest noong nakaraang taon, inangkin ni New York Knicks forward Obi Toppin ang korona sa kanyang pagbabalik sa kompetisyon ngayon 2022.

Tinalo ni Toppin ang forward ng Golden State Warriors na si Juan Toscano-Anderson, na hindi nakuha ang kanyang huling dunk sa championship round sa kabila ng maraming pagtatangka.

Isang between-the-legs mula sa backboard slam ang nagselyo sa panalo ni Toppin at maiuwi ang Slamdunk champ trophy.

Sa kabila nito dismayado ang maraming NBA fans dahil sa daming attempt ng mga participants.

Maliban kina Toppin at Toscano kasama din sa mga lumahok sa Slamdunk contest ay sina Cole Anthony (Magic) at ang may lahing Pinoy na si Jalen Green (Rockets).