Ibinida ni Jake Zyrus ang kanyang selfie kung saan makikita itong walang damit pang-itaas. kasabay ng pagbabahagi ng ilang pananaw hinggil sa kanyang transition.
Ayon sa singer, matagal niyang pinag-isipan bago ibahagi ang naturang larawan, dahil nababahala umano siya sa kung anu ang maaring sabihin ng mga tao.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Jake na sa ilang taon na nag-transition umano siya, ay naging masaya naman ang takbo ng buhay niya, pero lagi parin siyang naiinggit sa kanyang katawan.
Pero ngayon umano, wala na siyang pakialam kung anu ang opinyon ng mga tao hinggil sa kanyang pagpapakita kung anu at sinu talaga siya.
Sinabi ring ni Jake Zyrus na ang ginagawa ay para rin sa kapwa niya transgender, na naghahangad na magkaroon ng confidence para ipakita at maging proud sa kung sino sila.