HINATULAN ng habambuhay na pagkakakulong ang isang nurse mula sa UK ng Manchester Crown Court kaugnay sa kalunos-lunos na pagpaslang nito sa pitong sanggol at tangkang pagpatay sa anim pa.
Napatunayang nagkasala si Lucy Letby, 33 gulang, matapos mapag-alaman na intake nito ang mga sanggol sa pamamagitan ng paglagay ng hangin sa dugo at tiyan, labis na pagpapainom ng gatas, at paglalason gamit ang insulin.
Ayon sa nairehistrong record ng kaso, lumalabas na guilty ang nasabing nurse dahil sa natagpuang sulat nito na nagpapatibay sa pagpatay sa mga biktima.
Samantala, siniguro naman ni Health Secretary Steve Barclay na napakinggan ang panig ng mga magulang sa kaso, at mabigay ang hustisya na nararapat para sa kanilang mga anak. ###| JOHNOAH MAE A. ZEPEDA, Intern