Namayapang pastor sa Africa , hindi ipinalibing ng pamilya na umabot ng dalawang taon dahil sa paghangad na mabubuhay muli

Inabot umano ng dalawang taon, bago tuluyang nailibing ang namatay na pastor sa Africa dahil sa umaasa umano ang kaniyang pamilya na mabubuhay itong muli.

Kinilala ang nasabing pastor na si Siva Moodley, na namatay sa nagdaang dalawang taon.

Nang mamatay ito ay pinabayaan lamang umano ito ng pamilya na maiwan sa morge at hindi inasikaso ang libing dahil sa paghahangad na ito’y mabubuhay pa.

Noong una ay pumupunrta pa umano ang pamilya nito sa morge upang bumista at ipanalangin ito ngunit, kalauna’y humito na rin ang mga ito sa pagpunta.

Makalipas ang isang taon ay pilit na hinahagilap at kinokontak ng morge ang pamilya ng yumaong pastor, ngunit wala silang natanggap na tugon rito.

Kaya naman nagdesisyon ito na kasuhan ang pamilya at nang magkaroon ng sapat na ebidensya ang naturang morge ay tinugunan ito ng korte ng isang mandatory burial.

Dinaluhan ang nasabing libing ng ilan sa mga kamag-anak at kapatid ng namatay subalit, hindi naman pumunta ang sarili nitong pamilya.###|WENCY LISAY