Lalaking, naka-aksidente habang minamaneho ang motorsiklo, patay; biktima naman sugatan

NAGA CITY – Patay ang isang lalaking minamaneho ang motorsiklo matapos maka-aksidente ng isang babae sa bayan ng Pili, Camarines Sur.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Police Chief Master Sergeant PCMS Jose Benito Rosaldo, Imbistigador ng Pili Municipal Police Station, dakong alas 11:30 ng gabi nitong Agosto 20, nang mangyari ang aksidente, habang ang biktimang si Rosalyn Odiver y Murillo, 25 taong gulang, taga Del Rosario, naglalakad sa kalsada na sakop ng Sitio Marubanban, Bagong Sirang nang ang drayber ng motorsiklo na si Ricky Quilinio y Taduran, 33 taong gulang, taga Bagong Sirang, binabaybay ang kalsada, nang biglang hindi nakita ang biktimang naglalakad at tuluyan nang nahagip si Rosalyn.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nagtamo ng physical injury ang biktima at patay ang drayber nang maidala sa ospital.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Pinaniniwalaan ding naka-inom ng alak ang drayber, at maliban sa walang suot na helmet, wala pa itong lisensya.

Ayon pa sa opisyal madilim sa parting pinangyarihan ng aksidente, may street light naman ngunit malalayo ang pagitan.

Sa ngayon hinihintay pa ng himpilan ang magiging mapag-uusapan ng magkabilang pamilya.

Nagpaalala na rin ito na kung maaari huwag magmaneho nang naka-inom.