Pitong pulis na nang-ransack sa Cavite, sibak

Pinasisibak na sa serbisyo ang pitong pulis na pumasok sa bahay ng isang retiradong guro sa Imus, Cavite noong buwan ng Agosto.

Ayon kay PNP PIO Acting Chief Col. Jean Fajardo, ngayong araw pinirmahan ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang rekomendasyon ng Internal Affairs Service para sa dissmissal from the service ng mga pulis.

Ang anim na pulis ay nahaharap sa kasong 2 counts of less grave misconduct, 6 counts of grave misconduct, 1 count of grave irregularity in the performance of duty, grave dishonesty and conduct unbecoming of a police officer na may maximum penalty na dissmissal from the police service.

Binibigyan ng sampung araw ang mga ito para magsampa ng motion for reconsideration.

Samantalang ang kanilang Chief of Police at iba pang police officers na kasamang nakasuhan ay wala umanong nakitang substantial evidence sa mga ito.

Magkagayunman, sasailalim pa rin sila sa pre-charge investigation para sa neglect of duty.

Ayon kay Col. Fajardo, binigyan na ng direktiba ni Gen. Acorda ang Directorate for Investigation and Detective Management para magsagawa ng imbestigasyon sa mga ito sa ilalim ng doctrine ng command of responsibility.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *