Pitong miyembro ng makakaliwang grupo, patay sa engkwentro ng militar sa Nueva Ecija

Pitong miyembro ng Komiteng Rehiyong Gitnang Luzon ng Communist Terrorist Group ang napatay sa isang engkwentro sa pagitan ng 84th Infantry Division sa Brgy. Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija kahapon.

Ayon kay 84th Infantry Battalion Commanding Officer Lt. Col. Jerald Reyes, hinabol nila ang mga rebelde mula Aurora, Nueva Vizcaya hanggang sa Nueva Ecija. Kasunod ito ng isang aerial operation sa kabundukan ng Sitio Marikit East, Brgy. Abuyo, Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya noong June 20.

Kabilang sa narekober ng militar sa lugar ang tatlong (3) M14 rifles, anim (6) M16 rifles, isang (1) M16 na may M203 grenade launcher, isang (1) mababang kalibreng baril, mga subersibong dokumento, at mga personal na gamit.

Wala namang naitalang casualty mula sa panig ng militar.

Nagpapatuloy pa hanggang sa kasalukuyan ang hot pursuit operations at clearing operation upang masiguro ang kaligtasan ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *