VP Sara, wala raw ibinigay na rason kay PBBM hinggil sa pagbitiw sa pwesto

Tumanggi raw si Vice President Sara Duterte na magbigay ng rason kay Pangulong Bongbong Marcos sa dahilan ng kanyang pagbibitiw bilang DepEd Secretary at Vice Chair ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Ayon sa Presidente, natanong nya si VP Sara kung may partikular itong rason sa pag-resign, subalit ayaw na raw itong pag-usapan ng bise presidente kaya hindi na nya pinilit pang alamin.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Una nang sinabi ni Duterte na dala ng malasakit sa mga guro at estudyante ang dahilan ng kanyang pagbibitiw sa pwesto.