Pangulong Marcos, nanindigang hindi ‘armed attack’ ang recent WPS incident

Nanindigan si Pangulong Bongbong Marcos na hindi maituturing na ‘armed attack’ ang insidente sa Ayungin Shoal na ikinaputol ng daliri ng isang sundalong Pilipino.

Ayon sa Pangulo, hindi ito pag-atake dahil walang pumutok o tinutukan ng baril sa naturang insidente, kundi tahasang pagpigil ng China Coast Guard na maisakatuparan ang RORE mission.

Nabatid na una nang nanindigan ang National Defense na hindi aksidente o misunderstanding ang naturang insidente.

Naniniwala naman ang Pangulo na kailangan na nilang i-level up ang pag kondena sa ginagawa ng China.

Batid anya nyang marami nang protesta, tulad ng de marche at note verbale ang ipinapadala nila sa China subalit walang nangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *