PISTON, nagkilos-protesta sa SC para ipanawagan ang TRO laban sa PUVMP

Nagkilos protesta sa harap ng tanggapan ng Korte Suprema ang mga tsuper at operator na kasapi ng grupong PISTON para ipanawagan na maglabas ng Temporary Restraining Order laban sa PUV Modenization program ng pamahaalan.

Ayon kay Ruben Baylon, Deputy Secretary General ng PISTON, hindi sila papayag na pasukin at kontrolin ng mga korporasyon ang pampublikong transportasyon.

Nanindigan sila na dapat ang prangkisa ay manatili sa mga tsuper at opereytor ng jeep.

Dagdag pa ni Baylon, tuloy ang kanilang laban at hindi sila nawawalan ng pag-asa na kakatigan sila ng Korte Suprema.

Samantala, pagdating ng Abril 29 ay magkakasa ng panibagong kilos protesta at caravan ang grupo kasama ang MANIBELA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *