Senator Go – dinepensahan ang pagtanggal ng ‘Laban’ sa PDP-Laban

Nilinaw ni Senador Christopher “Bong” Go na desisyon ng buong partido ang ginawang pag-alis sa Lakas ng Bayan (Laban) bilang official name ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP).

Ito ay matapos ang naging pag-anunsyo rito sa kamakailang national council meeting at anniversary celebration nitong nakaraang Biyernes.

Ayon kay Go, sa kabila nito, tiniyak niyang uunahin at gagawin niya palagi ang sinumpaan niyang tungkulin sa bayan.

Kaugnay nito, patuloy umano siyang tutulong at magmamalasakit sa mga nangangailangang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *