PBBM, tiniyak sa publiko na walang dapat ipagaalala sa supply ng bigas

Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos sa publiko na sapat ang supply ng bigas sa bansa sa gitna ng nararanasang El Niño.

Sa ambush interview sa Occidental Mindoro, sinabi ng Pangulo na may mga lugar sa bansa na tuloy ang patubig sa mga sakahan sa pamamagitan ng irigasyon.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ang may sakahan na maganda ang irigasyon, ay mas tumaas pa raw ang kanilang ani.

Patuloy naman anyang kumikilos ang pamahalaan para matulungan ang mga magsasaka na walang irigasyon.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa katunayan minamadali na ang paglalagay ng mga solar pump at ang plano ng National Irrigation Authority o NIA na pagpapatayo ng dam para mapalawak pa ang irrigable land sa Mindoro.

Gayundin ang pamamahagi ng mga farm inputs at machineries sa mga magsasaka.