Pinuri ni Olympics chief Thomas Bach an Tokyo dahil sa kahandaan nito bilang host city.
Inihayag ito ni Bach kasabay ng pagpasok ng mga atleta sa Olympic Village, sampung araw bago ang opening ceremony.
Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng coronavirus state of emergency ang Tokyo, habang ipinagbabawal naman ang mga manunuod sa anuman Olympic events sa lungsod at sa mga kalapit nitong rehiyon.

Kaugnay nito ay sinabi ni International Olympic Committee President Bach kay Tokyo 2020 chief Seiko Hashimoto na nagawa ng organizers ang Tokyo bilang “best ever prepared city” para sa Olympic Games.
Mababatid na nagkita ang dalawang Olympic officials sa simula ng pagpasok ng mga atleta sa Olympic Village, na nagbukas nitong Martes sa kabila ng kawalan ng welcome ceremonies o kahit anong media interviews.
Samantala, tumanggi naman ang organizers na tukuyin kung alin sa mga national teams ang nakapasok na sa village, at ilan na ang bilang ng mga atleta sa loob nito.