Masaya ang araw na ito para sa mga Filipino medal performers dahil nakatakdang ibigay ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) ang kanilang mga cash bonuses sa katatapos na 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam.

Pangungunahan ni POC president Abraham “Bambol’’ Tolentino ang pagbibigay parangal sa mga medalist bukod pa sa pagrelease ng kanilang financial rewards mula sa local Olympic body sa General Assembly nitong Lunes sa Knights Templar Hotel sa Tagaytay City.
Nakatakda naman magcourtesy call sa Malakanyang ang mga atletang nakakuha ng ng Medalya sa SEA Games bukas.
Ito na ang ikatlo at huling pagkakataon na personal na pararangalan ni Pangulong Duterte ang mga atleta at coach na nag-ambag sa pinakamahusay na pagtatapos ng Team Philippines sa SEA Games sa labas ng bansa sa halos apat na dekada habang namamahagi ng cash incentives mula sa gobyerno na nagkakahalaga ng mahigit P40 milyon.
Si Gymnast Carlos Yulo ang uuwi na ‘pinakamayaman’ sa grupo dahil sa nakuha nitong limang gold at isang bronze medal.