Davis pinatulog sa 6th round si Romero para mapanatili ang WBA title

Tinapos ni WBA ‘regular’ lightweight champion Gervonta ‘Tank’ Davis (27-0, 25 KO) ang pangarap ni Rolando ‘Rolly’ Romero (14-1, 12 KOs) na maging isang world champion matapos itong patulugin sa 6th round ng kanilang paghaharap sa Barclay Center sa Brooklyn News York.

Isang malakas na left hook ang tumama sa mukha ni Romero sa isang minuto bago matapos ang ika-anim na round.

Sinubukan pang tumayo ni Romero subalit tinigil na ng referee ang laban matapos makitang groggy pa ito mula sa suntok ni ‘The Tank”.

Bago ang knockout, nakikipagsabayan pa sa unang mga round si Rolly at minsan ay nakaka-konekta pa ito ng mga malalakas na kumbinasyon.

Samantala umani naman ng paghanga mula sa ilang mga kilalang pro-boxers ang pambihirang knockout performance ni Davis.