56 patay sa baha at landslide sa Brazil

Umabot sa 56 na tao ang nasawi sa Pernambuco State sa Brazil bunsod ng malakas at tuloy tuloy na pag-ulan.

Maliban sa mga nasawi, nawawala din ang 56 iba pa habang 25 naman ang sugatan.

Ayon kay Minister of Regional Development Daniel Ferreira, mayroongy mahigit 3,900 na tao ang nawalan ng bahay dahil sa baha at landslide.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Napag-alaman na karamihan sa mga nasawi ay dahil sa landslide.

Kaugnay nito ay kinumpirma ni Brazilian President Jair Bolsonaro na personal niyang pupuntahan ang mga apektadong residente sa Recife habang katuwang ng pamahalaan ang militar sa pag-assist sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Matatandaan na nakaranas ng matinding pag-ulan ang ilang bahagi ng Brazil mula pa sa mga nakalipas na buwan