Isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Maynila na gawing Carlos Yulo Day ang Agosto 4 sa naturang lungsod.

Ito ay bilang parangal sa araw kung kailan nanalo ang pride ng Leveriza ng kanyang unang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.
Ayon sa Manila LGU, ginagawa na nila ang resolusyon at nagpahayag ng pag-asa na ito ay magiging handa bago ang Lunes.
Samantala, nakatakdang parangalan ang double gold Olympic medalist Carlos Yulo sa Manila City Hall sa Lunes, Agosto 19.