Pinaslakas vaccination campaign dumayo na rin sa seminaryo para bakunahan kontra COVID- 19 ang mga pari at seminarista

CAMARINES NORTE- Pinasok na rin pati ang seminaryo ng Pinaslakas vaccination team upang magbakuna kontra COVID- 19.

Nitong nagdaang araw ang Adorno Fathers Seminary sa Barangay Sto Domingo, Vinzons ang pinuntahan ng LGU vaccination team para magbakuna sa mga pari at seminarista.

Layon nitong ilapit ang bakuna sa lahat ng sector upang pataasin ang bilang ng mga bakunado lalo na ang booster shot.

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center hanggang nitong Lunes, September 5, nasa 71. 3 percent pa lang ng 32, 390 target population ang nababakunahan kontra COVID- 19 sa bayan ng Vinzons.

Sa bilang na ito nasa 20, 600 o 63. 6 percent ang fuly vaccinated.

Ag mga nakatanggap naman ng unang booster shot ay nasa 2, 098 o 6. 5 percent habang ang nabakunahan na ng second booster ay nasa 256 o 0. 79 percent.

Nasa 9, 300 naman ang hindi ba nakakatangap ng kahit isang dose ng bakuna sa naturang bayan.

(Photo: DOH CHD Bicol)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *