Pinasinayaang Jalaur Dam sa Iloilo, maaasahan sa food at water security agenda ng bansa

Pinasinayaan ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw ang Jalaur River Multi-purpose project stage 2 sa bayan ng Calinog sa probinsya ng Iloilo.

Nagkakahalaga ang proyekto ng 19.7 billion pesos at tinaguriang pinaka malaking irrigation development project sa Western Visayas Region at nag iisang large scale reservoir dam sa labas ng Luzon.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Inaasahang sa pagsisimula ng operasyon ng dam, mapapalawak nito ang irrigation service ng National Irrigation Administration o NIA at ikokober ang 9,500 hectares ng mga rain-fed agricultural lands sa 17 bayan mula sa first hanggang 4th district ng Iloilo, na magbebenepisyu sa 25,000 mga magsasaka.

Inaasahang makakatulong ang dam sa pagpapabuti ng food at water security agenda ng pamahalaan.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos inaasahang mapapataas nito ang rice production sa 160,000 metric tons o katumbas ng 20% na pagtaas sa annual rice requirement ng region 6.

Maliban dito, inaasahang magagamit rin ang dam sa pagkukunan ng hydroelectric power generation, bulk water supply, flood management, inland fishery at eco-cultural tourism.