Ipinasilip ngayong araw sa Senate media ni Senate Sergeant-at-Arms retired Lieutenant General Roberto Ancan ang detention facility na posibleng pag-istayan ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at maging ng kanyang kapamilya kung sakaling maaresto o sumuko ang mga ito sa batas.
Kasunod ito sa naging pag-cite in contempt sa kanya ng komite ni Senadora Risa Hontiveros matapos siyang hindi humarap sa mga nakaraang pagdinig.
Sa naging occular, bumungad agad pagbukas ng pinto ang tatlong bunkbeds na maari umanong i-occupy ng anim na katao, pero ayon kay Ancan pupwede pa rin naman silang magdagdag pa ng isang bunkbed kung sakaling magkulang ito.
Maliban pa roon, tulad ng sinabi ni Senate President Chiz Escudero, airconditioned talaga ang kwarto nito at may sariling cr, lababo at dining table.
Samantala, tiniyak naman din ni Ancan na hindi magugutom dito si Guo at maging ang ilan pang indibidwal dahil sila naman ang bahala as pamamahagi ng pagkain dito na may kasama pang snacks.