LEGAZPI CITY – Planong ipatupad ang ‘LGBTQIA Pride Day’ sa bayan ng Guinobatan, Albay.
Ito umano ang Ordinance No. 014-2023 na dinedeklara ang huling Sabado ng Hunyo bawat taon na maging “Guinobatan LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex and asexual) Pride Day”.
Ayon kay Coun. Rolando Palabrica, isa sa mga co-proponents ng ordinansa, kapag ito ay maaprubahan na ay maglalaan sila ng pondo sa mga programa at aktibidad para sa mga miyembro ng grupo.
Dagdag pa niya, hakbang ito upang mabigyan ng pagkilala ang LGBTQIA community dahil sila ay may bahagi rin sa kaunlaran ng bayan.
Sa ngayon, ang nasabing aktibidad ay nasa proseso na sa kanilang Sangguniang Bayan.