Pinakamataas na price hike sa langis, asahan bukas

Asahan nang ipatutupad bukas ang pinakamataas na price hike sa mga produktong petrolyo ngayong taon.

Sa advisory ng iba’t-ibang kompanya ng langis ay sinabi na aakyat ang presyo ng kada litro ng gasoilna ng P3.60, kerosene ng P4.10 at diesel ng P5.85.

Magiging epektibo ang mga nasabing pagbabago ng alas-6 ng umaga, March 8.

Magsisilbi ito mga ka-Brigada bilang ika-10 sunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo mula nang pumasok ang 2022.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Inihayag naman ng isang opisyal mula sa Department of Energy na bagama’t malaki ang problema sa presyo ng langis ay wala naman isyu sa suplay ng mga produktong petrolyo na dumarating sa bansa.

Ipinunto ni DOE Undersecretary Gerardo Erguiza na nasa morethan 40 days ang inventory ng bansa ngayon.

Una nang inanunsyo ng DOE na inaasahan na ang pagsipa ng mga presyo ng produktong petrolyo sa mga darating na linggo dahil sa limitadong output at sa nagpapatuloy na tensyon na kinasasangkutan ng Russia, na isa sa mga malalaking exporter ng krudo sa buong mundo.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Patuloy rin ang pag-monitor ng economic managers sa iba’t-ibang bagay na nakakaapekto sa domestic oil prices habang hinahanda ang tinatayang nasa P2.5 billion na fuel subsidies para sa public utility vehicle (PUV drivers).