Pinakamataas na alerto, itinaas ng DILG sa mga probinsiya ng Batanes at Cagayan dahil sa bagyong Julian

Itinaas na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Alert Level Charlie sa mga probinsiya ng Batanes at Cagayan dahil sa Bagyong Julian.

Ayon sa pinakahuling ulat ng DILG Central Office Disaster Information Coordinating Center, posibleng makaranas ng lakas ng hangin ng hanggang 155 km/h ang mga nabanggit na probinsiya.

Read More:  Ombudsman says INC rally won’t stop Marcoleta probe

Sa ilalim ng Alert level Charlie, inaatasan ang mga lokal na pamahalaan na agad na magsagawa ng preemptive at mandatory evacuation para matiyak na ligtas ang mga pamilya na nasa high at medium risk areas.

Read More:  DSWD: 15-year-old Tacloban school shooter showed discernment

Samantala, nakataas naman ang alert level Bravo sa mga probinsiya ng :
Abra
Apayao
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Isabela
Kalinga
Mountain Province

Alert level Alpha naman sa mga probinsiya ng :
Aurora
Benguet
Bulacan
Ifugao
La Union
Nueva Ecija
Nueva Vizcaya
Pangasinan
Quezon
Quirino
Tarlac
Zambales