Bagyong Julian – posibleng maging supertyphoon ngayong hapon o gabi; Batanes, nasa ilalim pa rin ng Signal No. 4

Napanatili pa ng Bagyong Julian ang lakas nito ngayong umaga.

Sa 11am bulletin ng PAGASA – huling namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng Sabtang Island sa Batanes, taglay ang lakas ng hangin na aabot ng 175 kilomero kada oras, at bugsong papalo ng hanggang 240 kilometro kada oras.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 4 sa Batanes at northern portion ng Babuyan Islands.

Read More:  Marcos mourns 2 students killed in Zamboanga shooting, orders probe

Signal number 3 naman sa nalalabing bahagi ng Babuyan Islands at northeastern portion ng mainland Cagayan.

Signal number 2 naman sa nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, Apayao, Abra, Kalinga, Ilocos Norte, at northern and central portions ng Ilocos Sur ; at signal number 1 sa nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, northern and eastern portions ng Nueva Ecija, at Polillo Islands.

Read More:  88 areas in the country placed under State of Calamity due to typhoons and Habagat

Inaasahang lalakas pa ang bagyo at posibleng maging isang super typhoon mamayang hapon o gabi.

Bukas, araw ng Martes, posible itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa maikling panahon, pero sa Huwebes pa ito posibleng tuluyang makalabas ng bansa.