Pinakamasarap na kape sa region 12, kinilala ng DTI 12

KORONADAL CITY – IDINEKLARANG may pinakamasarap na kape sa region 12 ang mga coffee farmers sa Malungon, Saranggani province at Alamada, Cotabato.

Ito ay batay sa resulta nang ginanap na Kape Dose Coffee Quality Competition 2024. Nagwagi sa naturang kompetisyon sina Renny Boy Takyawan ng Malungon sa Robusta 125-kilograms category at Elizabeth Aleria ng Dado, Alamada sa Arabica- 125 kilograms category.

Ang Kape Dose Coffee Quality Competition ang pinakamalaki at engrandeng kompetisyon para sa pinakamasarap na kape sa Soccsksargen.

Ito ay bahagi ng mga hakbang ng Department of Trade and Industry o DTI 12 upang opisyal nang maideklara ang rehiyon bilang “Coffee Capital of the Philippines”. Ang naturang kompetisyon ay nilahukan ng 72 mga coffee entries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *