Nasa dalawang libong mga botante sa Ocampo, Camarines Sur, nakatalaang ideactivate ang rehistro!

CAMARINES SUR- Nakatalaang ideactivate ng Commission on Election (COMELEC) Ocampo ang nasa 2,295 na mga rehistradong botante na hindi bumoto sa dalawang magkasunod na regular elections.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Augusto Sederis II Election Officer III ng nasabing bayan. Nagpadala na sila ng notice sa mga ito upang ipaalam ang deactivation ng kanilang rehistro dahil sa hindi pagtugon sa kanilang karapatan at responsibilidad na bumoto tuwing halalan. Ayon pa kay Sederis, kailangan munang madeactivate ang rehistro nito bago sila makapagreactivate.

Matatandaan na nagpalabas ng pahayag ang COMELEC Bicol na nangunguna ang probinsya ng Camarines Sur sa may pinakamaraming bilang ng mga idedeactivate na mga botante sa darating na Election Registration Board sa Abril 15.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *