Posibleng maagaw na ng magkapatid na Alberto at Giuseppe Rosso sa Italy ang Guinness world record para sa pinakamabigat na cherry sa buong mundo.
Inalagaan ng magkapatid ang puno sa kanilang family farm sa Pecetto Torinese na kabilang umano sa Carmen variety ng mga cherries.
Tumitimbang ng 1.16 ounces ang bunga nito, mas mabigat kesa sa kasalukuyang may hawak ng Guinness record na nasa .93-ounce lamang na inani sa isang farm sa Italy nitong Perbrero.
Ayon sa pamilya Rosso, matagal nang nagtatanim ng cherry ang kanilang pamilya mula pa sa kanilang mga ninuno pero ngayon lamang nila napansin ang malaking bunga nito na hindi pangkaraniwan ang bigat.
Isinumite na ni Albert sa panel of experts ang kaniyang entry at kinumpirma na ito ng Italy’s National Institute of Metrological Research. || Shiela Madrigalejos

