Tricycle driver sugatan matapos mabangga ng isang truck

CAMARINES NORTE – Sugatan ang driver ng isang tricycle matapos mabangga ng isang truck dakong 5:45 ng hapon Hulyo 7, 2021 sa kahabaan ng Diversion Road Maharlika Highway Purok 1, Brgy. Camambugan. Daet Camarines Norte

Ang biktima ay nakilalang si FELIPE GUTIERREZ Y NEÑEZA, 39 taong gulang, binata, at residente ng Brgy Calintaan, Talisay, Camarines Norte, drayber ng isang pribadong KAWASAKI Tricycle

Samantalang ang drayber ng Fuso Truck Forward Closed Van ay nakilalang si Hermenegildo Noleal Y Llona, 42 anyos at  residente ng Zone 5 San Fernando, Camarines Sur,

Ayon sa imbestigasyon, sa nabanggit na lugar at oras habang binabaybay ng drayber ng Fuso Truck Forward ang kahabaan ng Diversion Road Maharlika Highway patungong bayan ng Basud nang bigla itong mawalan ng preno.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Upang makaiwas sa mga sasakyang nakaparada sa pinaka kanang bahagi ng kalsada, nakabig ng drayber pakaliwa ang manibela na naging dahilan upang makain nito ang kabilang linya na nagresulta naman sa pagkakasalpok nito sa isang private tricycle na minamaneho ni GUTIERREZ na patungo sana sa direksyon papuntang bayan ng Talisay. 

Dahil dito, nagtamo ng pinsala sa iba’t ibang parte ng katawan si Guttierez samantalang ang drayber ng truck ay maswerte namang walang natamong pinsala.

Agad na nakaresponde ang Rescue team ng BFP upang malapatan ng lunas ang biktima at agad na dinala ito sa Camarines Norte Provincial Hospital para sa atensyong medikal habang ang drayber ng truck na si NOLEAL ay nasa kustodiya ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Sa inspekyon na isinagawa ng Daet PNP sa pinangyarihan ng aksidente, nasira ang isang (1) konkretong poste ng cable dahil sa pagbakakabangga ng truck.

Nakita naman sa CCTV footage na kuha sa isang residente ng Greenview Subdivision, Brgy Camambugan, Daet Camarines Norte ang nasabing aksidente.