Bicol region mayroon nang kabuuang 294,380 COVID-19 vaccine doses na natanggap; 93% nito naiturok na

BICOL—Pumapalo na sa 294,380 doses ng COVID-19 vaccine ang natanggap ng Bicol region base sa pinakahuling vaccine statistics report ng Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH-CHD).

100% na itong naipamahagi at nasa 93% na rin ang naibabakuna sa mga priority groups o katumbas ng 274,821 doses.

193,722 ang administered para sa first dose habang 81,099 ang naibakuna para sa second dose.

93,776 ang nabakunahan ng 1st dose sa A1 o ang mga healthcare frontliners; 54,905 sa A2 o mga senior citizen; 33,398 sa A3 o ang mga ibdibidwal na may comorbidities; 8,698 sa A4 o mga unifromed personnel kabilang na ang media; 732 sa A5 o indigent population at 2,222 sa priority B1, B6 at C o other priorities.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Para naman sa second dose o ang mga nakakumpleto na ng dalawang shots, 53,109 ang sa A1; 17,397 sa A2; 7,111 sa A3; 2,464 sa A4; 320 sa A5 at 698 sa other priorities.

Samantala, 100% na ng vaccine allocation sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes at Sorsogon para sa first dose ang naibakuna na, 95% naman sa Masbate.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Para naman sa second dose, 91% na ng allocated sa Camarines Norte ang administered na; 79% ang Camarines Sur; 76% ang Sorsogon; 75% ang Catanduanes; 61% ang Albay at 52% ang Masbate.

Tuloy tuloy pa rin ang vaccinatiom rollout kung kaya patuloy din ang paghikayat ng DOH at mga LGU sa publiko na makiisa at magpabakuna upang maabot ang target na herd immunity at mapababa ang kaso ng COVID-19.### || SLM